CURRENT TIME


Naging makabuluhan ang kakatapos lamang na pagdiriwang ng Pambungad na Palatuntunan sa Buwan ng Wika na ginanap sa Compostela campus ng Kolehiyo ng Compostela Valley kahapon, ika-14 ng Agosto, 2017.
Sa pangunguna ng presidente ng kolehiyo na si Dr. Christie Jean V. Ganiera, makahulugan ang naging selebrasyon na puno ng makabayan at makabansang mga palatuntunin gaya ng pagtatanghal ng katutubong sayaw at iba’t ibang paligsahan.
Umani naman ng nakakabinging hiyawan at palakpakan ang mula sa mga manonood ang Parada ng Kasuotan ng mga guro at empleyado ng kolehiyo suot ang matitingkad na barong at filipiña.
Kasabay ng unang araw ng pagpasok ng mga mag-aaral para sa unang semester, puno naman ng kahulugan ang mensahe ni Dr. Ganiera na pinaalalahanan ang mga estudyante sa kahalagahan ng pagmamahal sa ating pambansang wika at sa importansya ng pagiging maaga sa trabaho, pag-aaral, at anumang parte ng pamumuhay.
-KM