Compostela Valley State College

Compostela Valley State College

CVSC ipinagdiwang ang Buwan ng Wika

Posted by Glenn Bolaño on August 31, 2016 10:27 am

SAYAW NG BUHAY. Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa BSED-MAPEH ang isang katutubong sayaw sa selebrasyon ng Buwan ng Wika noong Agusto 31, 2016.

Matagumpay na idinaos ng Compostela Valley State College ang selebrasyon ng Buwan ng Wika, na may temang “Wika ng Karunungan”, na ginanap noong Agusto 31, 2016 sa New Building.

Isang araw na puno ng pagbibigay halaga sa wikang Filipino ang ginunita ng mga guro at mag-aaral at pinangunahan nina Dr. Christie Jean V. Ganiera, pangulo ng kolehiyo, at Dr. Roque N. Langcoy II, pangalawang pangulo sa larangang pang-akademiko.

Naging makahulugan ang palatuntunan na nahati sa dalawa.

Isang programa sa umaga kung saan binigyang diin ang paggunita at pag-alala sa kahalagahan ng wikang Filipino habang si Dr. Nancy B. Gonzales, isang professor mula sa Unibersidad ng Timog-Silangang Asya, ang nagsilbing panauhing pandangal at nagbigay ng isang talumpati ukol sa malaking papel ng wikang Filipino sa ating pagka-kilanlan.

Umani naman ng masigabong palakpakan at di-matawarang pag-hanga ang mga mag-aaral ng BSED MAPEH na nasa ikatlong taon mataopos nilang magpamalas ng iba’t-ibang katutubong sayaw kabilang ang Pitik Mingaw, Binuyugan, at iba pa.

Mga larong pinoy naman ang naging sentro ng pagdiriwang sa hapon kung saan nakilahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang patimpalak katulad ng Dama, Sungka, Takyan, Karera de Sako, Maria at Mario sa Lungsod, Pagsulat ng Liham Pag-ibig, Paggawa ng Poster, at Kadang-Kadang.

Itinanghal na pangkalahatang kampeon ang pangkat mula sa Bachelor of Secondary Education (BSED) para sa mga larong pinoy.

RELATED POST

  • PUTTING QMS ACTIVITIES INTO ACTION FOR ISO-9001: 2015 QUALITY MANUAL

    Compostela Valley State College (CVSC) conducted a 3-day review of institution’s Quality Management System (QMS) for ISO-9001: 2015 Quality Manual. The Quality Manual demonstrates the commitment to meeting stakeholders’ expectations

    Read more
  • CVSC HOSTS WEBINAR FOR PROMOTING ONLINE SUPPORT IN INSTRUCTION AMID PANDEMIC

    Compostela Valley State College (CVSC) organized a webinar (web seminar) entitled “Webinar on Designing Learning Modules for Online Instruction” via Zoom Teleconference last May 28, 2020 to discuss remote learning

    Read more
  • CVSC GETTING BACK TO WORK SAFELY AFTER ECQ

    Compostela Valley State College (CVSC) safely navigated reopening work operations while prioritizing employees’ right to safe work environment thru Memorandum Circular No. 024, series of 2020 from the College President

    Read more

Categories

CVSC EventsUncategorized

CURRENT TIME

Transparency Seal
Commission on Higher Education

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Address: P-10, Poblacion, Compostela, Compostela Valley Province
Mobile: Smart 0929-169-5328
Email: president@cvsc.edu.ph
© 2020 CVSC

Republic of the Philippines
All content is in the public domain unless otherwise stated.

You are visitor number:
Web
Analytics